Wednesday, January 16, 2008

Blankong Papel (Blank Paper)

Sa matagal na panahong hindi ko paghawak ng ballpen at hanna deka,
nalimutan ko na din ata ang majika ng pagsulat.
Nakalulungkot matunghayan ang aking sarili na sa tuwing mahaharap sa kapirasong papel ay BLANGKO!
Gumagana pa din naman ang aking isip.

Ngunit may nawawala.
Naglaho na nga ba ang kakayahan kong ilipat, buhayin at pagyamanin sa papel ang ideya, opinion at mga damdaming naglalaro sa aking isipan? Bakit hindi ko na magawang gamitin ang kagandahan ng mga parirala upang ipinta ang aking saloobin?
Marami pa akong nais sabihin…ngunit bakit hindi ko na magawa?